The Bar Is In Hell
The Bar Is In Hell: Taasan na ang standards sa pag-ibig at pulitika.
The government is a reflection of its people.
“The Bar Is In Hell” is about how Filipino standards in politics—like in love—are so low that the metaphorical bar is in hell.
We accept the “bare minimum” treatment and performance from politicians, and often get swayed by personality politics, charisma and propaganda.
This song is an invitation to raise standards and expectations of our country leaders with a “checklist” for choosing political candidates that you can rap all the way to the voting station.
If we want a better country for ourselves, we need to start raising the bar.
Tagalog:
Ang pamahalaan ay repleksyon ng mga mamamayan nito.
Ang “The Bar Is In Hell” ay tungkol sa pagiging mababa ng standards o pamantayan ng Pilipino sa pulitika—tulad ng sa pag-ibig—na para bang ito ay nasa impiyerno.
Tinatanggap natin ang "bare minimum" o ang pinakamababang uri ng pagtrato sa atin pati na rin sa pagganap ng katungkulan ng mga pulitiko. Madali tayong naimpluwensiyahan ng personalistikong pulitika, karisma at propaganda imbes na sa tunay na kakayahang mamuno.
Ang kantang ito ay isang imbitasyon upang itaas ang mga pamantayan natin sa pagpili ng mga pinuno ng ating bansa, at may “checklist” na pwede nating irap hanggang sa balota.
Kung gusto natin ng mas magandang bansa, kailangan nating taasan ng ating standards.
[Verse 1]
Andaming pangako para mahulog ang loob mo
At the end of the day, sila pala ay manloloko
Ngiti, charisma, mala-teleseryeng drama
Pero wala namang konkretong ginagawa
Parang relasyon na paulit-ulit '
Halatang red flag pero pinipilit
“Magbabago siya” laging sabi mo A
nim na taon kang nagpapauto
[Pre-Chorus]
Sinampal na nga ng ebidensya
Patuloy pa ring naniniwala sa propaganda
Matutulog pa rin ba o magigising na?
Hindi ito panaginip—nasa bangungot ka
[Chorus]
The bar is in hell, standards natin mababa
Ginagawang drama ang pulitika, para kiligin ka
Ayuda dito, kuda doon, pinapaikot ang madla
Pera't kinabukasan ninanakaw, tahimik pa rin ba?
[Verse 2]
Kunwari simpleng tao pero hindi propesyonal
Trabaho ito, pagiging seryoso ay hindi optional
Hindi pwedeng vibes lang, relatable public image
Kailangan marunong maglingkod—hindi lang surface
Yumayaman at nakatira sa ga-mansyong bahay
Habang ikaw hirap na hirap nang mabuhay
Puro pagbibiro, naglalaro habang sumasahod
Tapos ikaw all the time bayad-buwis, kumakayod
[Pre-Chorus]
Sinampal na nga ng ebidensya
Patuloy pa ring naniniwala sa propaganda
Matutulog pa rin ba o magigising na?
Hindi ito panaginip—nasa bangungot ka
[Chorus]
The bar is in hell, standards natin mababa
Ginagawang drama ang pulitika, para kiligin ka
Ayuda dito, kuda doon, pinapaikot ang madla
Pera't kinabukasan ninanakaw, tahimik pa rin ba?
[Rap Break]
Hindi madrama, magaling makisama
Hindi pa-victim, may accountability
Hindi tamad, kitang-kitang may gawa
Hindi lang puro kuda, may strategy
Talagang intelehente, hindi scripted
Nirerespeto ng ibang bansa, hindi ay-solated
Diplomatiko, marunong makipag-usap
Hindi corrupt, sa publiko ay tapat
May prinsipyo, hindi nabibili ng kahit sino
May paninindigan, tamang asal minomodelo
Marunong magplano ng pangmatagalan
Hindi yung “ok sa ngayon”, puro band-aid lang
Checklist ‘to—ulitin mo sa iyong isip
Bago ka bumoto, siguraduhing legit
Pag di pumasa—let it go, bitawan mo na
May standards ka, bare minimum huwag na
[Final Chorus]
The bar is in hell—sige na, itaas mo na
Huwag nang magpabulag, maging pipi at tanga
The bar is in hell—ang power ay nasa masa
Pera't kinabukasan ang nakataya, tahimik pa rin ba?